Ang Opisina

on Saturday, January 3, 2009

Tila ako'y adik sa aking opisina

Parang nais ko na atang dito tumira
Halos lahat ay akin nang dinala
Sa opisina, hala may Unan pa!

Ano bang nakain at parang ako'y nahalina
Siguro dahil sa Pink kong keyboard at plastik na donat sa mesa
Sa dami rin ng tambak, di ko tlga maiwan
ang aking opisinang tila kaharian. 

Oo, mukha ngang tanga, 
"pagpasok" ay parang isang "droga"
tigilan na, masama, ubos, sustansya
ngunit walang tlagang magagawa
dito kasi ako kumikita

Hay.

Maraming beses tinangkang iwan ang ganitong propesyon
Akala ko pa sa call center, sarili'y itatapon
Gabi, Umaga...ako'y naroroon
At sa Starbaks, tatambay sa hapon

Ngunit sadyang para sa akin ang trabahong ito
Ayawan ko man, dito pa rin napasubo
Di bale na, masaya naman ako
Kasa-kasama mga kolokoy na grupo. 

Baw. 
Sabaw.
Kalabaw.
Sitaw. 
Bataw. 
Aw.
Aw.
Aw.